Mula sa 'yong
mahimbing na pagkakatulog
'Nilakad ang aking
dalawang daliri
Sa 'yong hubad na
katawan—
Mula sa 'yong noo,
ilong,
At bahagyang
nakabukang mga labi
Dumako ako sa 'yong
leeg, balikat—
Ginawa kong unan
ang 'yong bisig
At kumot-dantayan
naman ang 'yong braso.
Bahagya kang
napabalikwas at napangiti.
Nanaginip ka siguro
Habang ako'y mulat
Pinagmamasdan:
Ang ngiti mong duyan
Na naghahatid sa
'kin sa pampang
Pabalik sa aking
tahanan
Dahil natunton ko
na
Ang aking himpilan
Sa 'yong katauhan.