'Di makatulog ng walang kulambô—
Kung tawagin ng mga kampo'y poon
Mamaw na pinaglihi kay Benjamin Button.
Asong imported: ginagalis sa orig
Made in china ang hilig;
Asong 'di malipol ang mga tungaw
Paboritong dinidilaan: pwet ng magnanakaw.
Manok na may tapyas ang tuktok
"Putang ina, putang ina," ang tilaok;
Baboy sa Malacañang
Iniipis, nilalangaw.
Ang paborito n'yong tatay
Buhay pa'y pinapapak na ng inaanay.
--
Bahagi ang tulang ito ng ika-4 na isyu ng KASING-KASING Nonrequired Reading in the time of COVID-19: Alternative Digital Poetry Magazine.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento