Paghuhulip
Kung
ganitong Hulyo
Ay inaasahang magisnan
Ang hagok ng poso
Bago pa man tumilaok ang galyo.
Maabutan kang nangangatog
Ngunit sige pa rin ang kabubuhos.
Ika mo ay kontra-alinsangan
Ang paliligo kung madaling araw.
Bago
lumusong ay babanggitin
Na nagsalang ng tubig para sa akin.
Biro mo ay hindi ko kasi namana
Ang balat-kalabaw na pangangatawan
Kaya mahipan lamang ng lamig
Ay agad nang nagkakasakit.
Ngiti lamang ang tugon ko,
Habang inaabot ang buleng sumbrero.
Bibisitahan
mo ang pananim sa duwak.
Iisa-isahing tsaniin ang mga binhi
Na nauna nang pumanaw
Bago pa man tuluyang lumaki
Ika mo ay kahalintulad
Ng pagbubunot ng uban
Ang paghuhulip.
Hatid nito ay ginhawa sa bukid.
Pagkarating
mula eskwela
Ay hahatiran ka ng altanghap.
Maabutang masugid na sinusuyod
Ang mga dahon ng palay;
Pinipitas iyong mala-rosas
Na itlog ng mga susô.
Pagagalitan
kung mapansin
Na hindi suot ang aking bota.
Baka kamo maparis sa iyong paa
Na puros kalyo at alipunga
Na siyang nilalanggas
Ng latik kung gabi
Ngunit
mula nitong nakaraang anihan
Ay natuto na akong maglanggas
Ng sariling mga sugat
Iyong mabababaw
Na buhat sa naapakang kuhol
At maging iyong malalim
Na hindi makuhang maglangib.
Ganito
pala kung wala ka, Ama.
Nagkakasya na lamang
Na itawid ang mga araw
Habang pilit na hinuhulip
Iyong mga naiwang alaala at paalala
Kung sing husay mo lang sana akong magsaka
--
Sa Gitnang Bukid
Hindi
na muling mailalapat ang talampakan sa bukid na minsang tinalaktak matapos
makipagpatintero sa mga palaka. Hindi na maiihahalik ang daliri sa pitak na
dati ay malimit tandusan. Hindi na maihihiga ang pagal na katawan sa tinipong
ginikan. Magkakasya na muna sa pagtanaw sa pamilyar na lupa, dahil sa gitnang
bukid ngayon ay may nakatirik:
“PRIVATE
PROPERTY. DO NOT TRESPASS”
Animong
balyán na nakatindig ang pulang-pulang mga letra at kaming dating nagsasaka
roon ay mga pesteng ibon ngayon, na dapat takutin sakaling maisipang manalasa
at gawain nila ay iantala.
--
Pwera Usog, Pwera Batì
Nang mamaga ang
magkabilang paa
Ng nag-iisang anak ng panginoong may lupa
Ay ipinasundo ang pinaka matandang albularyo
Sa atas mismo ng mga lokal na doktor
Hinampas nang
hinampas ng albolaryo
Ang mga paa nitong malaki pa sa tao
Ng isang bungkos ng muràng palay
Hanggang sa magkaluray-luray ang mga uhay
Matapos patuluin sa
isang planggang tubig
Ang kandilang nauna nang nilusaw
Sa kutsarang siyang dinilaan ng gasera
Ay lumitaw ang pamilyar na imahe: galit
Anang albularyo:
“nakatapak kayo ng maliliit na tao”
Upang mawala ang
pamamaga ng paa ng bata
Ay hindi sila maaaring kumain ni isang butil
Ng palay na aanihin mula sa nakasanlang mga bukid.
Ngayong taon, maging hunos ay ilaan bilang atang.
Bago umalis,
paalala pa ng albularyo:
Huwag kalimutang painumin ang anak ninyo
Ng walong basong katas ng pawis na piniga
Mula sa sambra’t pandong ng mga magsasaka
Ay inaasahang magisnan
Ang hagok ng poso
Bago pa man tumilaok ang galyo.
Maabutan kang nangangatog
Ngunit sige pa rin ang kabubuhos.
Ika mo ay kontra-alinsangan
Ang paliligo kung madaling araw.
Na nagsalang ng tubig para sa akin.
Biro mo ay hindi ko kasi namana
Ang balat-kalabaw na pangangatawan
Kaya mahipan lamang ng lamig
Ay agad nang nagkakasakit.
Ngiti lamang ang tugon ko,
Habang inaabot ang buleng sumbrero.
Iisa-isahing tsaniin ang mga binhi
Na nauna nang pumanaw
Bago pa man tuluyang lumaki
Ika mo ay kahalintulad
Ng pagbubunot ng uban
Ang paghuhulip.
Hatid nito ay ginhawa sa bukid.
Ay hahatiran ka ng altanghap.
Maabutang masugid na sinusuyod
Ang mga dahon ng palay;
Pinipitas iyong mala-rosas
Na itlog ng mga susô.
Na hindi suot ang aking bota.
Baka kamo maparis sa iyong paa
Na puros kalyo at alipunga
Na siyang nilalanggas
Ng latik kung gabi
Ay natuto na akong maglanggas
Ng sariling mga sugat
Iyong mabababaw
Na buhat sa naapakang kuhol
At maging iyong malalim
Na hindi makuhang maglangib.
Nagkakasya na lamang
Na itawid ang mga araw
Habang pilit na hinuhulip
Iyong mga naiwang alaala at paalala
Kung sing husay mo lang sana akong magsaka
Ng nag-iisang anak ng panginoong may lupa
Ay ipinasundo ang pinaka matandang albularyo
Sa atas mismo ng mga lokal na doktor
Ang mga paa nitong malaki pa sa tao
Ng isang bungkos ng muràng palay
Hanggang sa magkaluray-luray ang mga uhay
Ang kandilang nauna nang nilusaw
Sa kutsarang siyang dinilaan ng gasera
Ay lumitaw ang pamilyar na imahe: galit
Ay hindi sila maaaring kumain ni isang butil
Ng palay na aanihin mula sa nakasanlang mga bukid.
Ngayong taon, maging hunos ay ilaan bilang atang.
Huwag kalimutang painumin ang anak ninyo
Ng walong basong katas ng pawis na piniga
Mula sa sambra’t pandong ng mga magsasaka
--
Ang koleksyon ng tulang ito ay lahok sa Saranggola Awards 2023.
Sponsors:



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento