Sabi ni Nanay mabaho raw
ang bibig ni Mang Nestor. Kaya siguro kapag naniningil si Mang Nestor ng bayad
sa apartment, nagtatago na si Nanay.
“Anak, pagkatapos mong
maghilamos, hugasan mo na ‘yung flower mo ha.”
Bakit po kasi kailangang
hugasan ang flower?”
“Aba, itong batang ‘to,
s’yempre naman mabubulok ‘yan kapag hindi.”
“Eh, hindi naman po
nadudumihan ‘yung flower, nakatago naman.”
“Ah-eh, oo nga. Pero, ‘di
ba naalala mo ‘yung mga nakatagong damit mo dati, ‘di ba bumaho ‘yun kasi hindi
nalalabhan?”
“Opo.”
Nginitian ako ni Nanay.
“Sige na nga po.”
--
Ang lakas ng boses ni Mang
Nestor. Nasa salas sila ni Mama. Sabi ni Mama sa kwarto raw muna ako. Sinilip
ko sila; may butas kasi ang pinto ng kwarto.
“Tang ina naman, Maria,
ilang b’wan na ‘yung utang n’yong renta. Patay tayo sa negosyo n’yan.”
“Eh, Mang Nestor, alam mo
namang magsarado ang factory na pinagtatrabahan ko. Baka naman po pwedeng…”
“Pwede namang dating gawi
nalang.”
Hinawakan ni Mang Nestor
ang buhok ni Nanay. Hala, ang lapit ng bibig n’ya, kawawa naman si Nanay,
bahong-baho na naman siguro s’ya. Nilayo ni Nanay ‘yung ulo n’ya.
“Mang Nestor, baka marinig
ka ng anak ko.”
“Oh sige, babalik ako
mamaya.”
--
Nagising ako sa kalabog sa
sala. Si Nanay kaya ‘yun?
Si Nanay nga. Nasa sahig
s’ya. Walang damit.
Nandu’n si Mang Nestor—sa
pagitan ng hita ni Nanay.
Nakasando lang si Mang
Nestor.
Hindi na ako inaantok.
Dinidilaan ni Mang Nestor
ang flower ni Nanay.
Kaya ba mabaho ang bibig
ni Mang Nestor?
Hala, nilapit ni Mang
Nestor ang mukha n’ya sa mukha ni Nanay!
“Tang ina, ang sarap mo
Maria.”
Umiiyak si Nanay?!
Kawawa naman s’ya, naamoy
naman n’ya ‘yung bibig ni Mang Nestor!