Lunes, Nobyembre 26, 2018

BAHAY-TAGPUAN

Wala nang naiiwang hibla sa unan
Katabi n’ya pa rin ang kumot sa may ulunan
Sapi’y hindi na kailangang paulit-ulit labhan
Sanay na ring mag-isa ang toothbrush sa lababo
Madalang na ring mapalunok ang inidoro
Hindi na nanghihingi ng linis ang sahig ng banyo
Nangawit na nga ang upuan
Mga kubyertos hindi na rin nagbabangaan
Ipis na ang may ari ng hapag-kainan
Inangkin na ng gagamba ang bintana
Nawalan na ng silbi ang pintuan
Dating bahay-tagpuan ay ‘di na natagpuan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Si John-John at ang Matapat Niyang Hininga

Si John-John at ang Matapat Niyang Hininga Sa mahiwagang Sitio ng Honestidad, buhay na buhay ang mga hininga ng mga bata. May iba't iba ...