Lunes, Nobyembre 5, 2018

MABAHONG BIBIG


Sabi ni Nanay mabaho raw ang bibig ni Mang Nestor. Kaya siguro kapag naniningil si Mang Nestor ng bayad sa apartment, nagtatago na si Nanay.
“Anak, pagkatapos mong maghilamos, hugasan mo na ‘yung flower mo ha.”
Bakit po kasi kailangang hugasan ang flower?”
“Aba, itong batang ‘to, s’yempre naman mabubulok ‘yan kapag hindi.”
“Eh, hindi naman po nadudumihan ‘yung flower, nakatago naman.”
“Ah-eh, oo nga. Pero, ‘di ba naalala mo ‘yung mga nakatagong damit mo dati, ‘di ba bumaho ‘yun kasi hindi nalalabhan?”
“Opo.”
Nginitian ako ni Nanay.
“Sige na nga po.”
--
Ang lakas ng boses ni Mang Nestor. Nasa salas sila ni Mama. Sabi ni Mama sa kwarto raw muna ako. Sinilip ko sila; may butas kasi ang pinto ng kwarto.
“Tang ina naman, Maria, ilang b’wan na ‘yung utang n’yong renta. Patay tayo sa negosyo n’yan.”
“Eh, Mang Nestor, alam mo namang magsarado ang factory na pinagtatrabahan ko. Baka naman po pwedeng…”
“Pwede namang dating gawi nalang.”
Hinawakan ni Mang Nestor ang buhok ni Nanay. Hala, ang lapit ng bibig n’ya, kawawa naman si Nanay, bahong-baho na naman siguro s’ya. Nilayo ni Nanay ‘yung ulo n’ya.
“Mang Nestor, baka marinig ka ng anak ko.”
“Oh sige, babalik ako mamaya.”
--
Nagising ako sa kalabog sa sala. Si Nanay kaya ‘yun?
Si Nanay nga. Nasa sahig s’ya. Walang damit.
Nandu’n si Mang Nestor—sa pagitan ng hita ni Nanay.
Nakasando lang si Mang Nestor.
Hindi na ako inaantok.
Dinidilaan ni Mang Nestor ang flower ni Nanay.
Kaya ba mabaho ang bibig ni Mang Nestor?
Hala, nilapit ni Mang Nestor ang mukha n’ya sa mukha ni Nanay!
“Tang ina, ang sarap mo Maria.”
Umiiyak si Nanay?!
Kawawa naman s’ya, naamoy naman n’ya ‘yung bibig ni Mang Nestor!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Si John-John at ang Matapat Niyang Hininga

Si John-John at ang Matapat Niyang Hininga Sa mahiwagang Sitio ng Honestidad, buhay na buhay ang mga hininga ng mga bata. May iba't iba ...