“Linoooo.”
Hindi kasing lambing nang kanina ay tawag sa kanya ng kanyang
nobya ang narinig. Malamig ito, malalim. Boses ng isang lalaki. Lumingon siya
sa likuran—sa hallway, pero wala siyang
nakita. Sinilip niya ang loob ng kwarto, wala rin siyang nakita.
Ito ang ikatlong araw ni Lino sa trabaho, kaya kahit
Valentine’s day ay pinili niyang romilyebo sa 7pm na duty. Sa tatlong araw pa
lamang niya sa trabaho ay marami na siyang narinig na kwento ng kababalaghan.
Na hindi man maokupa ang 30 bed spaces ng building na pinatatrabahuhan ay
marami pa rin silang dapat bantayan. Mga bagay na hindi sila hinanda ng
pinanggalingan niyang security para harapin.
Biglang pagbukas ng mga pintuan ng mga kwartong hindi
okupado.
Mabibigat na yabag sa hagdan.
Anino sa
CCTV.
Batang
naglalaro sa hallway.
Babaeng
umiiyak sa banyo.
Maitim na
matangkad na lalaking dumadagan at sumasakal sa mga guest.
Kumatok muli si Lino sa kasunod kwarto, bago pumasok kahit
alam niyang walang tao sa loob nito. Ito ang patakaran dito sa transient
building.
Nang walang sumagot ay marahan niyang inikot ang door knob.
“Hahahahahahahaha.”
Magkakasunod-sunod at papalakas nang papalakas na tawa ang
nanggaling mula sa cellphone ni Lino. Ito ang ringtone niya para sa text
messages ng kanyang nobya, tawa ng bata.
Hapi2x
BaLenTayms ulit, MaHAL. InGaT u pLage
Sinilip ni Lino ang kwarto. Isinara ang pinto. At, muling
kumatok sa kasunod pang kwarto.



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento