At, sinabi ng pari, "sumainyo ang panginoon."
Sumagot siya habang inaalay ang dalawang kamay, "at, sumaiyo rin".
"Ang banal na
misa ay natapos na. Humayo kayo at palaganipan ang mabuting balita ng panginoon."
Hinawakan n'ya ang
rebulto ng banal na mag-anak, sa altar sa itaas ng TV. Pumikit saglit. At,
s'ya'y nag-antanda.
Pagkatapos ay tuluyan
nang pinatay ang TV.
"Mga putang ina
n'yo, ala sais na hindi pa kayo bumabangon?!" sigaw n'ya habang hinahatak
ang kumot sa mga tulog mantinkang kambal na anak, si Matthew at Peter.
"Nay naman eh,
linggong linggo eh," sabi ni Matthew habang nagkukusot ng mata.
Hinitak naman ni Peter
ang kumot pabalik. "Oo nga 'nay, aga-aga pa eh."
"Anong ang
aga-aga pa?! Mga putang ina kayo, mamaya mahaba na ang pila kila Aling Lorna!'
'yung tae du'n sa banyo kagabi 'di n'yo ba naaamoy?! Tang ina 'yung mga pinggan
nanunutong na ah!"
Sabay na bumangon ang
kambal, habang nagmu-muta't naghihikab pa.
Dumiretso sila sa
altar sa itaas ng TV. Hinawakan ang rebulto ng banal na mag-anak. Pumikit. At,
nag-antanda.
"Ano ba mga
putang ina kayo, bilisan n'yo na!" Katak ng nanay nila habang inaabot ang
mga lumang galon (na dating pinaglagyan ng mantika) sa kambal.
"Tang-ina 'nay,
ito na nga oh."
"Aga-aga, bunganga nang bunganga."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento