Wala
na siyang ibang matakbuhan. Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam. Gusto na
niyang sumabog. Nagkataong bukas noon ang gate ng isang malapit na simbahan.
Kailan
nga ba siya huling pumasok ng simbahan? Hindi na niya maaalala.
Luminga-linga. Pinapawisan. Kinakabahan.
Huminto siya saglit sa may pintuan. Sa tapat ng
dalawang anghel, mga taga hawak ng holy water. Parang nginingitian siya ng mga
ito. Tinawtaw niya ang dulo ng kaninang mga daliri, sa kanang kamay.
Nag-antada.
Pagpasok, tanaw na agad ang fresco ng banal na
mag-anak. Parang sinusundan siya ng tingin ng mga ito. Lumunok siya ng kaunting
laway habang paulit-ulit na hinahagod ang ulo.
Kinakabahan. Basa ng pawis ang kaniyang buhok. Muli
siyang luminga-linga.
Dumiretso siya sa pintong nakaawang, sa gilid ng
altar. Parang bodega. May gitara, may organ, sound system, at ilang papel na
may lyrics at chords ng mga kantang pang simbahan.
E AM7
Kordero ng Diyos na nag-aalis
F#m7 B EM7
Ng mga kasalanan sa mundo
G#m C# F#
Maaawa ka sa amin
G# C#m F# B
Kordero ng Diyos, maawa ka.
Kinuha niya ang ilang pahina. Lumabas.
Luminga-linga. Pinapawasan. Kinakabahan.
Nakahanap rin siya ng pwesto. Sa wakas. Sa likod ng
simbahan. Nilabas ang kaniyang sama ng loob. Sa tabi ng gripong wala palang
tulo. Buti na lang. Salamat sa papel ng simbahan.
Sa pagitan ng malutong niyang utot at lusaw na ebak,
nilipad ng hangin ang kaniyang panalangin.
"Syet, thank you, Lord."
Bumalik siya sa harap ng simbahan. Tinanaw ang banal
na mag-anak. Parang sinusundan pa rin siya ng tingin ng mga ito. Pero, magaan
na ulit ang kanyang pakiramdam. Walang paglunok ng laway, walang paulit-ulit na
paghagod ng ulo.
Huminto siya sa tapat ng dalawang anghel, na may
hawak na holy water. Nginitian niya ang mga ito. Inamoy saglit ang ilang daliri
ng kaliwang kamay. Medyo nadikit pala ito sa pwet niya nang magpahid kanina.
Tinawtaw. Hinugasan.
Pumito siya, sa tono ng "Kordero ng
Diyos," habang papalabas sa gate ng simbahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento