Biyernes, Marso 22, 2019

HOLY SHIT

Wala na siyang ibang matakbuhan. Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam. Gusto na niyang sumabog. Nagkataong bukas noon ang gate ng isang malapit na simbahan.
Kailan nga ba siya huling pumasok ng simbahan? Hindi na niya maaalala.
Luminga-linga. Pinapawisan. Kinakabahan.
Huminto siya saglit sa may pintuan. Sa tapat ng dalawang anghel, mga taga hawak ng holy water. Parang nginingitian siya ng mga ito. Tinawtaw niya ang dulo ng kaninang mga daliri, sa kanang kamay. Nag-antada.
Pagpasok, tanaw na agad ang fresco ng banal na mag-anak. Parang sinusundan siya ng tingin ng mga ito. Lumunok siya ng kaunting laway habang paulit-ulit na hinahagod ang ulo.
Kinakabahan. Basa ng pawis ang kaniyang buhok. Muli siyang luminga-linga.
Dumiretso siya sa pintong nakaawang, sa gilid ng altar. Parang bodega. May gitara, may organ, sound system, at ilang papel na may lyrics at chords ng mga kantang pang simbahan.

E AM7
Kordero ng Diyos na nag-aalis
F#m7 B EM7
Ng mga kasalanan sa mundo
G#m C# F#
Maaawa ka sa amin
G# C#m F# B
Kordero ng Diyos, maawa ka.
Kinuha niya ang ilang pahina. Lumabas.
Luminga-linga. Pinapawasan. Kinakabahan.
Nakahanap rin siya ng pwesto. Sa wakas. Sa likod ng simbahan. Nilabas ang kaniyang sama ng loob. Sa tabi ng gripong wala palang tulo. Buti na lang. Salamat sa papel ng simbahan.
Sa pagitan ng malutong niyang utot at lusaw na ebak, nilipad ng hangin ang kaniyang panalangin.
"Syet, thank you, Lord."
Bumalik siya sa harap ng simbahan. Tinanaw ang banal na mag-anak. Parang sinusundan pa rin siya ng tingin ng mga ito. Pero, magaan na ulit ang kanyang pakiramdam. Walang paglunok ng laway, walang paulit-ulit na paghagod ng ulo.
Huminto siya sa tapat ng dalawang anghel, na may hawak na holy water. Nginitian niya ang mga ito. Inamoy saglit ang ilang daliri ng kaliwang kamay. Medyo nadikit pala ito sa pwet niya nang magpahid kanina. Tinawtaw. Hinugasan.
Pumito siya, sa tono ng "Kordero ng Diyos," habang papalabas sa gate ng simbahan.


KUNG PAANONG NAGLAHO SI JC


“JC, JC, hindi pa ako pa umuuwi ‘yung kalapati ko,” sabi ng batang may ari kalapati, habang paulit-ulit na hinihigit ang damit ni JC.

“Ah, gano’n ba? Sige akong bahala,” agad na sagot ni JC.

Makapangyarihan si JC, kaya n’yang patagin ang bundok, biyakin ang dagat, pagalawin ang mga ulap—kaya niyang gawin ang lahat.

Habang abala sa pakikipaglaro ang kalapati, sa mga kapwa niya ibon, sa plaza, ay bigla s’yang nakaramdam ng gutom.

Agad na bumalik ang kalapati sa bahay ng kanyang amo.

Masayang sinalubong ng amo ang kanyang kalapati. At, agad itong pinakain. Hinimas pa niya ang ulo nito habang tumutuka.

Nang matapos kumain ang kalapati ay agad na lumipad ang kalapati pabalik sa plaza.

“JC, JC, umalis na naman ‘yong kalapati ko. Gusto ko pa sanang makipaglaro sa kanya,” sabi ng batang may ari ng kalapati, habang paulit-ulit na hinihigit ang damit ni JC.

“Ah, gano’n ba? Sige akong bahala,” agad na sagot ni JC.

Makapangyarihan si JC, kaya n’yang patagin ang bundok, biyakin ang dagat, pagalawin ang mga ulap—kaya niyang gawin ang lahat.

Habang abala sa pakikipaglaro ang kalapati, sa mga kapwa niya ibon, sa plaza, ay biglang bumuhos ang ulan.

Agad na bumalik ang kalapati sa bahay ng kanyang amo.

Masayang sinalubong ng amo ang kanyang kalapati. At, agad niya itong pinunasan ng cotton na towel. Niyakap.

Nang tumila ang ulan ay agad na lumipad ang kalapati pabalik sa plaza.

“JC, JC, umalis na naman ‘yong kalapati ko. Gusto ko pa naman siyang turuan ng mga tricks,” sabi ng batang may ari ng kalapati, habang paulit-ulit na hinihigit ang damit ni JC.

“Ah, gano’n ba? Sige akong bahala,” agad na sagot nito.

Makapangyarihan si JC, kaya n’yang patagain ang bundok, biyakin ang dagat, pagalawin ang mga ulap—kaya niyang gawin ang lahat.

Habang abala sa pakikipaglaro ang kalapati, sa mga kapwa niya ibon, sa plaza, ay biglang may dumating na mga batang hamog. Pilit silang hinuhuli.

Agad na bumalik ang kalapati sa bahay ng kanyang amo.

Masayang sinalubong ng amo ang kanyang kalapati. At, agad niya itong niyakap. Saka pinakita ang mga gagamitin nila sa pag-aaral ng tricks.

Pandaliang nakalimutan ng kalapati ang mga kapwa niya ibon at ang plaza. Masayang masaya ang kanyang amo.

Pandaliang walang humihigit at nangungulit kay JC. Nakaramdam s'ya ng kalungkutan.

Pagkatapos ng maraming araw ay bumalik ang kalapati sa plaza, ngunit hindi na para makipaglaro sa mga kapwa niya ibon. Kasama ng kalapati ang kanyang amo, para magtanghal sa mga tao, sa plaza.

Makapangyarihan si JC, kaya n’yang patagain ang bundok, biyakin ang dagat, pagalawin ang mga ulap—kaya niyang gawin ang lahat. Ginawa niyang kalapati ang sarili.

BANAL NA MAG-ANAK


At, sinabi ng pari, "sumainyo ang panginoon."

Sumagot siya habang inaalay ang dalawang kamay, "at, sumaiyo rin".


"Ang banal na misa ay natapos na. Humayo kayo at palaganipan ang mabuting balita ng panginoon."

Hinawakan n'ya ang rebulto ng banal na mag-anak, sa altar sa itaas ng TV. Pumikit saglit. At, s'ya'y nag-antanda.

Pagkatapos ay tuluyan nang pinatay ang TV.

"Mga putang ina n'yo, ala sais na hindi pa kayo bumabangon?!" sigaw n'ya habang hinahatak ang kumot sa mga tulog mantinkang kambal na anak, si Matthew at Peter.

"Nay naman eh, linggong linggo eh," sabi ni Matthew habang nagkukusot ng mata.
Hinitak naman ni Peter ang kumot pabalik. "Oo nga 'nay, aga-aga pa eh."

"Anong ang aga-aga pa?! Mga putang ina kayo, mamaya mahaba na ang pila kila Aling Lorna!' 'yung tae du'n sa banyo kagabi 'di n'yo ba naaamoy?! Tang ina 'yung mga pinggan nanunutong na ah!"

Sabay na bumangon ang kambal, habang nagmu-muta't naghihikab pa.
Dumiretso sila sa altar sa itaas ng TV. Hinawakan ang rebulto ng banal na mag-anak. Pumikit. At, nag-antanda.

"Ano ba mga putang ina kayo, bilisan n'yo na!" Katak ng nanay nila habang inaabot ang mga lumang galon (na dating pinaglagyan ng mantika) sa kambal.

"Tang-ina 'nay, ito na nga oh."
"Aga-aga, bunganga nang bunganga."


Si John-John at ang Matapat Niyang Hininga

Si John-John at ang Matapat Niyang Hininga Sa mahiwagang Sitio ng Honestidad, buhay na buhay ang mga hininga ng mga bata. May iba't iba ...