Hindi na
kami umabot sa dayátan
Nito
kasing nakaraang anihan,
Laksa-laksa
kaming ginapas—kinamáda.
Singilan
na raw anila ng pinautang na punlâ.
Dahil
pandak pa rin ang karyada
Kami na
lang daw ang gagawing kinaban.
Siniksik
kami sa bunganga ng tilyadora
Sinuka
kami’t sinilid sa sako—
Tinahi
ang mga bunganga ng leteng.
Mga dating
bános ngayo’y binasbasan,
Ng mga
paring kanilang kapanig at kapanalig,
Upang magsilbing
pilapil na pahingahan,
Daw kuno,
naming mga pumanaw sa hapô.
Kawáyang
krus ang nakatúlos na balyán
Sakaling
may buwitre pang nais na manalasa,
Kakainin
ang aming buliga't binuhol na dila,
Sa aming
katawang paulit-ulit nang ninakawan
Ng dugong
siyang patubig sa tigang na bukid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento