Halos kakatapos mo lang maghugas ng
inyong pinagkainan nang sinimulang maghiwa ng bawang ng iyong ina. Isinangag
niya ang tira ninyong kanin. Ininit din ang adobo. Muli, inilatag sa
lamesa—animo’y sanggol na kinulambuan ng tapadera.
Dumiretso sa kwarto, sa tabi ng
iyo, pagkatapos. Pinanood mo lang siya mula sa may pinintuan. Muli niyang
pinagpag ang magkapatong na mga unan. Sininsin ang sapin ng katre. Tiniklop
muli ang bagong labang kumot. Tulad kaninang umaga.
Nilingon ka niya. "Mahaba pa
naman ang gabi. Baka umuwi ang iyong kuya." Ngumiti ka't tumango. Bumalik
sa kusina, at ipinagtimpla ng kape ang sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento