Ng ‘yong
ama ang sakahan
Ay ‘wag
kang mag-alala.
Mananatili
akong magsasaka.
Iyayakap
ko ang
May putik
pang palad
Sa
sariling puso—
Dudukutin.
Pagkatapos,
Isasahod
ang lahat
Ng
tutulong dugo
Sa ginto
n’yang baso.
Ito ang
huli kong serbisyo.
Serbesa
para sa ‘yong ama.
Hihiwain
ang puso sa gitna;
Palamlamnan
ng pagung-pagongan,
Atangyá,
kagaygay, susô,
at
berdeng ngusong kabayo.
Ipaalalang
manalangin s’ya’t
Maghugas
ng kamay
Bago
lantakan at gawing pulutan
At
relyono kong laman.
At, kung
s’ya’y mahihirinan
Agad na
iaabot ang gintong baso;
Aabangan
ang kan’yang pagdighay.
Sa huling
kong hininga:
Sabay naming
lalanghapin
Ang akala
n’yang tagumpay.
Sapagkat
nakawin man
Ang bukid
na minana
Ay
mananatiling magsasaka
Ang
katulad kong anak ng lupa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento